roger mexico: ang dami ko ng buzz sa yo kanina, tapos umalis ako sa upuan ko para makipagkwentuhan kay shie, tulog ka pa siguro nun. bka one pa magigcing. so upo muna ako dun, usap kay shie. tapos, mdyo pagod din kasi si shie sa gala, pumunta ko sa harap ng pc. nabigla kasi me buzz ka. isa lang. wala na.
roger mexico: so ginawa ko nagbuzz din ako. baka gcing ka na, me ginagawa lang. pero di ka sumagot. wala. nakakabibinging katahimikan. tapos ginawa ko buzz ko ulit. madami. e kaso kada isang buzz magiintay ka ata ng sampung segundo. bale mga fifteen minutes or more, buzz ng buzz ako. yung interval nun sinasabayan ko ng pagsindi ng sigarilyo at pagtunga sa libreng red horse ko. maraming beses na ganun.
roger mexico: minsan sa kaiintay ko na pwede na magbuzz, pindot ng pindot ako ng mouse. parang walang katapusan. basta pipindot na pipindot lang. tapos un nga bigla na lang mag bubuzz. ayun, napuno ko na buong window ng ym kakabuzz di ka pa rin nagrereply. nagbuzz ka lang isa pero ako sandamukal na ata. mula siguro kaninang alas diyes naka trenta ata ako. pero tulog ka pa rin. di ko alam. basta un. wala pa ring reply.
roger mexico: eto sisindi na naman ako ng yosi.
roger mexico: naubos ko na ata tong isang kaha.
BUZZ!!!
BUZZ!!!
BUZZ!!!
BUZZ!!!
roger mexico: parang tula pala ko magsulat sa tagalog. parang college writer. ung nangangapa ng istilo ng pagsusulat. iba nga ang pagsusulat sa english kesa sa tagalog/pilipino. pero sabi nila mas maeexpress mo daw ang sarili mo sa tagalog. pero ewan ko rin. sanay na ko sa english e. di na nga lang nagsusulat nitong mga nakalipas na taon. puros pera lang ang iniisip para magsulat. nasabi ko ata sa blog ko yun na bilib ako sa mga kumikita sa pagsusulat pero iba ung gusto ko e. pero nitong mga nakaraang buwan mdyo nagbago na rin pagtingin ko sa hinahabol kong istilo ng pagsusulat. parang wala ng saysay sa kin ang magsulat. kaya nga nasabi ko na siguro kailangan ko burahin yung mga natutunan ko dati. na di rin naman talaga mahalaga sa malalim na pag intindi kung maging successful writer ako. wala na ring
roger mexico: silbi ang mga alam ko at natutunan sa buhay. oo sasabay pa rin ako, pero di na siguro katulad noon. siguro magsusulat pa rin ako. pero alam ko na na balang araw nawawalang saysay din ang mga iyon. kasi paulit ulit rin naman kasi. kasi ano ba ang tinatalakay ng mga kwento, di ba dapat me conflict? e kaso di na ko medyo naniniwala sa kahalagahan ng conflict e. sabi ko nga mga drama lang sa buhay yun. yoko na nga magdrama e, tapos magsusulat pa ko ng mga drama ng buhay na di naman talaga makakatulong sa mga magbabasa ng isusulat ko. kasi me blema na nga sila, aaliwin ko pa sila ng panibagong blema.
roger mexico: parang ano yun e usapan ng mga college students kung me diyos o wala, o kung totoo bang me diyos o wala. pero sa dulo rin naman wala naman maitutulong o mababago sa kanila sa paguusap o pag dedebate ng kung meron ngang diyos. magiging mabuting tao ba sila kung me diyos o magiging masama kung wala. kasi pwede naman wlang diyos o di pinaguusapan ang diyos pero mabuting tao. meron naman naniniwala sa diyos pero sobrang itim naman ng budhi. pero etong mga sinasabi ko parang wala na ring saysay e. kasi iba na nakikita ko e.
roger mexico: sa pag aaral ko rin tinitibag yung mga paniniwala ko nun. alam ko me ibang dimesion. sabi nga ng mga physicist merong 11 dimensions, pero tayo apat lang alam natin. tatlong nga lang talga kung tutuusin kasi yung pang-apat yung time-space dimension na sinabi ni einstein di pa rin maintindihan ng nakararami. sa bale nasa three dimesions palang alam natin. e me eleven nga, so kung baga marami pa tayong di alam o di kayang ipaliwanag. pero unti unti na rin nakukuhang idefine ng mga scientist yun.
roger mexico: pero eto ang nakakamangha, yung mga di maipaliwanag ng mga scientist ngayon o yung ngayon lang nila nakayang ipaliwanag naipaliwanag na at na-map-out na noon pang nakalipas na 2500 years ago. kakaelibs. pati mind structure alam, pati mind fields, galing.
roger mexico: e 2500 years ago pa un, pano nila nalaman un. ung ang tanong. galing e
BUZZ!!!
BUZZ!!!
BUZZ!!!
BUZZ!!!
BUZZ!!!
BUZZ!!!
BUZZ!!!
BUZZ!!!
BUZZ!!!
No comments:
Post a Comment